Monday, October 22, 2012

THE REAL KUNG-FU MASTER


Dati, sikat na sikat talaga ang mga movies tungkol sa mga Kung-Fu, isa na rito ang paborito kong  panoorin ay yung mga pelikula ni Jacky Chan...

Pero itong kwento ko na ito ay di talaga tungkol sa kung papaano kayo maging isang Kung-Fu Master literally.



Kung nakapanood na kayo ng mga dating pelikula ni Jacky Chan or kung hindi pa ay  almost ganito yung takbo ng story ng halos lahat ng pelikula nya,  si Jacky  sa umpisa wala talagang alam sa Kung-Fu, madalas na nilalait lait, pinaglalaruan, pinagtatawanan, inaapi at madalas na magulpi.

At minsan na-encounter nya ang isang Bad Kung-Fu Master at pinahirapan cya nito at ginulpi at pinatay pa ang mahal nya sa buhay.

Pagkatapos nyang maranasan ang mga ito syempre ang nasa isip nya ay kung papaano gumanti sa mga nang-api sa kanya o kya naman ay atleast maipagtanggol nya ang sarili nya.

Kaya ang naisipan nya kailangan nya ring matuto at maging isang magaling sa larangan ng Kung-Fu. Naghanap sya ng pwedeng magturo sa kanya, naghanap cya ng isang Kung Fu Master.

Hindi naging madali sa kanya ang matuto lalo na at wala naman talaga syang alam dito. Unti unti nyang natutunan ang mga tinuturo sa kanya ng kanyang Good Master. Lahat ng alam ng Master nya ay nalaman nya rin at natutunan.

Hanggang isang araw ang kanyang Good Master at ang Bad Kung-Fu Master ay nagkatagpo at naglaban.

Natalo ang kanyang Master at nagulpi ng Bad Kung Fu Master. At dahil natalo ang kanyang Master, sya naman ang lumaban sa Bad Kung Fu Master.

At sa pangalawang paglalaban nila ng Bad Kung Fu Master ay natalo nya to...........

Eto ang tanong, bakit kaya natalo ni Jacky si Bad Kung Fu Master e samantalang natalo nga nito yung Master nya na nagturo sa kanya ng lahat ng nalalaman nito?

Eto po ang sagot; 
1)  Meron kasi siyang mabigat na dahilan at pinaghuhugutan ng lakas (REASON), eto yung time na dinanas nya ang lahat ng trials, downs, at yung GOAL nya na makaganti at mabigyan ng justice sa mga sinapit nya.
2)  NagFOCUS sya sa kanyang GOAL.
3)  Hindi sya nag-QUIT.
4)  Sya mismo ang gumawa ng paraan para matuto (LEARN)  at inapply nya lahat ng natutunan nya (TAKE ACTION).
5)  At ang SIKRETO nya na hindi alam ng Master nya during nung kanyang training period, habang nag-eensayo sya unti unti nyang nakikilala ang sarili nya, unti unti nyang nalaman ang mga kahinaan nya at kung ano ang kalakasan nya at higit sa lahat Nakadevelop sya ng SARILING STYLE or TECHNIC at eto ang kanyang X-Factor kaya sya naging Successful(KUNG-FU MASTER)!


IKAW GUSTO MO BANG MAGING KUNG-FU MASTER?



Those above short story is brought to you by  Roberto Munar .
Enjoy helping people to earn money using internet!
Click here to get to know Roberto Munar better



Follow Me On My Facebook Fanpage

No comments:

Post a Comment